protest rally ng BAYAN-Masbate

Benjamen Cajegas

Chairman Bayan-Masbate

 

 

Mahigit tatlumpu’t dalawa taon na ang lumipas simula ng nagkaroon ng Edsa Revolution sa panahon ng Rehimeng Marcos ngunit hanggang sa ngayon patuloy ang paggunita ng mga Masbateño sa makasaysayang People Power ng mga Pilipino.

Mula pa sa iba’t ibang sektor, nakikisa ang mga progresibong grupo dito sa Masbate para pabagsakin ang umiiral na Diktadura ni Duterte at labanan ang mga neoliberalismong patakaran.

Sinusundan ng kasalukuyang rehimeng-Duterte ang yapak ng diktadurang Marcos. Mas masahol pa ang nararanasan ng mga mamamayan ngayon. Kaliwa’t kanan ang patayan, mga paglabag sa karapatang pantao at ang mga pahirap na panukala ng gobyerno, gaya na lamang ng Oplan Kapayapaan, Train Law, Charter Change at iba pa.

Sa katunayan, ang mga panukalang ito ang siyang dagdag pahirap sa mamamayan. Simula nang isinabatas ang TRAIN LAW, tumaas Ng doble ang lahat ng mga bilihin. Hindi totoong maka-mahirap ang TRAIN ni Duterte. Bagkos ito’y ikinahihirap ng lahat, ito’y pabor lamang para sa mga dahuyang kapitalista at iilang mayayaman sa bansa.

Dagdag pa dito ang Pagbabago ng konstitusyon o charter change na isang hudyat patungong Martial Law sa buong bansa.

Ang mga Masbateño ay matatag na naninindigan at lumalaban sa ganitong estilo ng reheming US-Duterte. Patuloy na ipangtanggol at makiisa ang buong mamamayan upang kamtin ang tunay na demokrasya ng bans