Viga MPS PRESS RELEASE

Authority: PSINSP DEXTER D. PANGANIBAN ACOP, Viga MPSe

email address: catanduanesppo_vigamps@yahoo.com

Boses Ng Viga KASUROG Cops Hotline No: 09298043389

 

Viga, Catanduanes – Bilang patunay sa patuloy na hangaring maging “terrorist-free” at “illegal drug-cleared” ng bayang ito, ginanap kahapon, Enero 25,2018, ang isang Community Anti-Terrorism Awareness at Barangay Drug Clearing Operations Seminar sa Viga Rural Development High School kung saan dumalo ang mga kapitan at barangay secretaries ng 31 barangay ng Viga, Catanduanes. Ito ay naisakatuparan sa tulong na rin ni Mayor Emeterio “Bong” Tarin ng bayang ito.

Ilan sa mga naging panauhing tagapagsalita sa nasabing seminar sina Mayor Tarin; Jimmy D. Lopez,Viga Municipal Local Government Operations Officer; Dr. Robert John Aquino, Viga Municipal Health Officer at LGU Core Team Leader; PCINSP JAMES S. RONATAY, Chief ng Police Community Relations Branch ng Catanduanes Police Provincial Office (PCRB, CATPPO); PSINSP DEXTER D. PANGANIBAN, Acting Chief of Police ng Viga; SPO1 Marwin De Vera, Deputy Chief of Police for Administration ng Viga; at PO2 Ludy Lynn Mosquerra, Police Community Relations PNCO ng PCRB, CATPPO.

Tinalakay ni PCINSP RONATAY sa nasabing seminar ang mga responsibilidad ng local government unit at ng bawat barangay, lalo na ng mga kapitan at kasapi ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils sa “barangay drug-clearing operations” upang tuluyang maging “illegal drug-cleared” ang bayang ito. Inisa-isa naman ni PO2 Mosquera ang mga rekisito na kailangang asikasuhin ng mga barangay bago maideklarang “illegal drug-cleared” ang mga ito.

Tinalakay din sa nasabing seminar ang kasamaan at mga kasinungalingang ipinapakalat ng teroristang grupong New People’s Army; ang kasalukuyang PNP SAF Recruitment; at ang pamamahagi ng Viga MPS ng libreng “soft copies” ng reading materials o mga babasahin upang makatulong sa mga nagnanais na makapasa sa CSC, NAPOLCOM, at Criminology Board Exams upang madagdagan ang bilang ng mga “eligible” o mga maaaring maging pulis, sundalo, bumbero, jail officer, at iba pang MUP (military at uniformed personnel) ng ating bansa.