BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN – SORSOGON

Narra Street, SPPVS, Bibingcahan, Sorsogon City

Pahayag sa Media

Hunyo 30, 2017

 

Puno ng pagbubunyi at pagdiriwang ang mamamayang Pilipino sa pag-upo sa tungkulin ni Rodrigo Roa Duterte bilang halal na Presidente ng Pilipinas noong Hunyo 30, 2016. Ngunit ngayong araw, pagkalipas ng isang taon, walang nakikitang dahilan o rason ang mga mamayan upang muling magbunyi at magdiwang.

Mga pangakong hindi natupad. Mapang away na asta sa mga sumasalungat sa mga patakaran ng administrasyon at sa mga taong iba ang pananaw sa pananaw ng administrasyon. Kawalang pananagutan ng pulisya at military sa paulitulit na krimeng ginagawa nila sa mamamayan. Kapos sa panglipunang serbisyo. Masidhing karukhaan.Kawalan ng trabaho ng higit na nakakarami.Mababang sahod.Sumisirit na presyo ng mga pangunahing bilihin.Patong patong na buwis na ang mga mamamayan ang tiyak na magpapasan. Isang bansang lipos ng sigalot at walang kapayapaan. Ito ang kahambal-hambal na larawan ng Pilipinas sa loob ng isang taong panunungkulan ni Duterte. Mayroon ba tayong dahilan upang magdiwang?

notoduterte'smartiallawNitong nakaraang Mayo 23, ipinailalim ni Presidente Duterte ang buong Mindanao, kasama ang Basilan, Sulu at Taw-Tawi, sa martial law o batas military. Ang marahas na hakbanging ito ay tugon ng pamahalaan, di umano, sa terorismong inihasik ng grupong Maute-ASG-ISIS sa Marawi City. Kaya, ang insidente sa Marawi na may populasyong 240,000 at isang maliit na bahagi lang ng kabuuang teritoryo ng Mindanao ay ginawang basehan ng deklarasyon ng batas militar sa buong Mindanao, at ang pagkaraan ay ang uspension ng pribelihiyo ng writ of habeas corpus. Nagbabala pa nga si Duterte na hindi siya magdadalawang isip na ipa ilalim ang Kabisayaan at Luzon sa batas militar “kung kinakailangan”

Mas masama, binigyan diin ni Duterte na kung ipapawalambisa ng Korte Suprema ang Proklamasyonng 216 o proklamasyon ng batas militar, ito ay muling ipapataw, at sa susunod na pagkakataon, ito ay gagawin niya ayon sa kanyang kagustuhan at desisyon at ito ay magiging katulad ng batas militar ni Marcos. Ang ganitong mga pahayag ay malinaw na nagpapakita ng mataas na opisyal ng gobierno na muhi at ayaw sa pamamayani o pangingibabaw ng batas, isang opisyak na lango sa kapangyarihan na hindi nag aatubiling gamitin ang pulis at militar upang lapastanganin ang batas na konstitusyunal at wasakin ang pinakapundasyon ng demokrasya sa ating lipunan. Bagamat nagsalita na si Duterte na hindi na siya nagmumuni na palawakin pa ang batas militar sa labas ng Minanao hindi dapat magpakasapat ang mga mamayan sapagkat ang mga salitang binibitawan niya ay hindi maaring pagkatiwalaan. Napakadali at ugali niya na magbago ng isip. Isa pa, ang batas militar sa Mindanao ay isang kasamaang hindi katanggap-tanggap. Dapat itong baklasin sapagkat ito ay salot sa karapatang pantao at katiwasayan ng mga mamamayan.

isang taon pagkatapos manungkulan si Duterte nagpatuloy ang pagtambak ng mga biktima ng extrajudicial killings [EJK] sa bigong gera kontra-droga at maging sa todo-todong gera at militarisasyon ng Armed Forces of the Philippines [AFP] sa kanayunan sa ilalim ng Oplan Kapayapaan, ang kontra insurhensiya ni Duterte. Nitong Hunyo lang, apat na sibilyan ang pinatay dito sa ating lalawigan sa hinalang sila ay kasapi ng New People’s Army [NPA]. Ang may kagagawan ng mga pagpatay na ito ay hindi pinapanagot ng gobierno. Pinalakas pa ng proklamasyon ng batas militar ang loob ng mga mamamatay tao ng AFP at PNP.

Ang mga mahahalagang pagbabago na ipinangako ni Duterte ay mga maninipis na bula pa ring lumulutang sa hangin. Hindi pa rin tapos ang ENDO. Unti-unting lumilitaw na hindi na interesado si Duterte sa pagkakataon ng kapayapaan sa lipunan, kapayapaan na nakabatay sa katarungan at deokratikong mithiin ng mga mamamayan. Ang tanging gusto ni Duterte ay ang pagpapasuko at pagpapatahimik sa mga rebolusyunaryong pursa na walang kaakibat na repormang panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika upang tugunan at lutasin ang ugat ng armadong labanan ayon sa adyendang nakasaad sa The Hague Joint Declaration ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobierno [GRP] at ng National Democratic Front of the Philippines [NDFP]. Ang gusto niya ay muling ipataw ang parusang kamatayan na labag sa prinsipyo ng karapatang pantao, pababain ang edad ng kriminal na rsponsibilidad ng mga batang may kasalanan sa batas, muling buhayin ang Reserved Officers Training Course [ROTC], at sunod-sunod na pagpataw ng buwis, habang ang masa ay nakalublob sa kahirapan, ang ekonomiyang pambansa ay hapay na hapay at ang panggogobierno ay diktaduryal, kapritsoso at maligalig.

We say No To Martial Law!

Stop The Killings!

End Impunity!

Social,Economic And Political Reforms, Not War!

Pursue Peace Process!