Ma. Conchita Feliciano

Ma. Conchita Feliciano

Ma. Conchita Feliciano

 

Kailangang pa bang lumaban sa g’yera

o kaya’y sumigaw magmatsang Mendiola

pagdating militar ay babarikada

para lang matawag bayani ng masa?

 

Di na kailangang magbuwis ng buhay

sa paligidligid ikaw ay tumanaw

baka sa’yong tabi ay may nagaantay

na nangangailangan, tulong at alalay

 

matandang babae na gustong tumawid

pero natatakot na siya’y mahagip

ito kasing dyipney takbo’y pagkabilis

ano ba’y gabayan hawakan ang bisig

 

isang kaibigan na nabibigatan

sa kanyang dalahin mga pasan pasan

ilahad ang kamay at siya’y tuwangan

at ng dinadala ay gumaan-gaan

 

simple man o grabeng mga pangyayari

oras kailangan ay rumirespondi

dahil ito’y utos ng ating sarili

na kung may sama ma’y ,mayroon ding buti