Press Release

KARAPATAN-BIKOL

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

Agosto 25, 2015

 

ABUSONG MILITAR, TUTULAN! KARAPATANG PANTAO IPAGLABAN

Inutang na Dugo ng Pasistang Militar, Sigilin,Papagbayarin!

Indignation rally in front of Camp Simeon A. Ola

Indignation rally in front of Camp Simeon A. Ola

Karumal-dumal  na pagka  ang ipinapatupad ng Tuta ng Kano! Habang nanatili sa poder ang rehimeng US-Aquino sa bansa laging biktima  ng kahirapan, panganib at kapahamakan ang mga mamayan lalong-lalo na ang masang anak pawis at mga tagapag tanggol ng karapatang pantao. Lalong hahaba ang listahan ng mga krimen nito, at higit na magpapahirap sa mamamayang Bikolano.

Nawalan ng bias ang islogan ni Benigno Simeon C. Aquino III na “MATUWID NA DAAN” AT “Kayo ang Boss Ko” dahil sa pag tindi ng kahirapan, pang aapi sa mamayan at kawalan ng kakayahan mamuno sa bansa. Tuluyan ng nalantad ang rehimeng US-Aquino na unti-unti na ring iniiwan ang mga dating kaalyado sa pulitika, kaibigan at pati mga kamag-anak.

Nanatiling bulaag, pipi at bingi ang rehimen sa hinaing ng mamayan, patuloy nitong sinusupil ang buong progresibong kilusan. Sa desenyong kontra-insurhensiyang Oplan Bayanihan ng administrasyon, tapat nitong alagad ang 9th Infantry Division, Philippine Army, sa pagpapatupad ng pandarahas sa mamayan

Pinapatahimik ng 9th ID ang mga lider at respetadong mga kasapi ng mga progresibong organisasyon upang hindi tuluyang maibunyag  ang kabulukan ng  rehimeng sa rehiyon. Patuloy nilang pinapagana at nananatiling aktibo sa kanilang death squad upang ilihis at itago ang kanilang responsibilidad sa pamamaslang.

Lists of 66 cases of extrajudicial killings in Bicol regfion under Benigno Simeon C. Aquino III

Lists of 66 cases of extrajudicial killings in Bicol regfion under Benigno Simeon C. Aquino III

Sa mga unang araw ng huling taon ni BS Aquino sa Malacañang, mas pina igting pa nito ang panunupil sa Kabikolan. Hindi man lang nabigyan-pansin ang kalagayan ng karapatang pantao sa huling SONA nito. Bagkus, ang pahayag ng 9th Infantry Division na “conflict Manageable and ready for  further Development” ang nagsilbing masamang pangitain para sa mga Bikolano. Nangangahulugan ito ng higit pang pagyurak at paglabag  sa karapatang pantao na kinakasangkutan ng mga state security forces sa malaking bahagi ng rehiyong Bikol.

Pagpaslang sa Tagapagsalita ng Mamayan, Pagkitil sa Karapatang Bayan.

Anumang kasinungalingan, kapalpakan ng administrasyong Aquino ay kalian man hindi maitatago sa karapat-dapat lang isiwalat sa bayan. Isang karangalan at katapangan ang maibahagi sa mamamayan ang kanilang karapatan at maipaglaban ito.

Kaya naman mahigpit na kinokondena ang pagpaslang kay Teodoro “Tay Tudoy” Escanilla ng mga galamay ng 9th Infantry Division. Ang walang laban na si Tay Tudoy ay binaril ng dalawang gunman na kasama sa hindi bababa sa  walong [8] maghkakasamang nagpatupad ng krimen, noong gabi ng Mierkules, Agosto 19, 2015, sa kanyang bahay sa Tagdon, Barcelona, Sorsogon. Ang 31st Infantry Battalion – Philippine Army ang walang dudang pumatay kay Tay Tudoy. Mula Abril 2012 hanggang Disyembre ng parehong taon pinaghahanap ng mga element ng 31st IB si Tay Tudoy. Nobyembre 2014 nag tangkang manuhol pa sila ng baril at pera upang patayin si Tay Tudoy.

The fallen human rights activist Teodoro Escanilla alyas “Pay Tudoy” .

The fallen human rights activist Teodoro Escanilla alyas “Pay Tudoy” .

Si Tay Tudoy sa edad na 63 anyos, ay walang sawang naninindigan para sa pagtatanggol sa karapatang pantao. Anchor siya ng isang radio program na “Paman ng Lahi” sa loob ng isang taon. Sa kanyang programa, kinokondena niya ang pag abuso ng military sa mga inosenteng mamamayan sa operasyon kontra-insurhensiya.

Berdugong 9th ID laganap sa buong rehiyon

Victims of Masbate Massacre in Del Carmen, Uson, Masbate last August 3, 2015

Victims of Masbate Massacre in Del Carmen, Uson, Masbate last August 3, 2015

Kaliwa’t kanan ang paglabag sa karapatang pantao at pag aabusong military sa buong rehiyon. Nito lamang Agosto 3, 2015, apat na sibilyan ang minsaker ng Bravo Company ng 9th IB sa Masbate.Tutulong sana sila sa sa pagsagip sa mga sugatang sundalong inambus ng New People’s Army noong hapon sa national highway sa Del Carmen, Uson, Masbate nang sila ay pagpapatayin ng mga sundalo.

Arnel Morada Labo, Camarines Norte Municipal Coordinator AnakPawis Partylist

Arnel Morada Labo, Camarines Norte Municipal Coordinator AnakPawis Partylist

Muling umatake ang death squad ng 49th Infantry Battalion sa Labo, Camarines Norte noong Agosto 8 at pinatay ang municipal coordinator ng AnakPawis partylist na si Arnel Morada.

Sa mga unang taon ng pagkaka upo bilang pangulo, may apat na masaker na naganap sa Camarines Norte, Camarines Sur at sa Masbate kung saan may 17ng sibilyan ang napaslang kung saan dalawa ay mga bata.

Sa datos ng Karapatan-Bikol, si Ka Tudoy ang ika 66 na biktima ng extr-judicial killings sa rehiyon. Sa loob ng rehimeng US-Aquino, mayroon nang 458 pag labag ng karapatang pantao, 17,916 na mga biktima, kabilang ang 39 na mga political prisoners.

Ang brutal na kampanya ng 9th ID ay kailangan ng wakasan. Ito ang totoong berdugo sa rehiyong Bikol.

Stop Impunity!

Militirisasyon sa kanayunan, kalunsuran tutulan!labanan!